Lalaki huli sa pagbitbit ng 8 bala sa MRT

ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 11:14 AM | Updated as of May 15 2019 11:16 AM

Arestado ang isang lalaking nagbitbit umano ng walong bala sa MRT North Avenue Station sa Quezon City. 

Nakita umano ang mga bala nang idaan sa x-ray ang kaniyang bag. 

Natunton sa bag ng suspek ang magazine na may lamang mga bala ng 10 mm na baril. 

Dinala na ang lalaki sa Regional Mobile Force Batallion ng Philippine National Police para maimbestigahan. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.