'I cannot': Neri Colmenares nanindigang hindi magko-concede

ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 06:21 PM

MAYNILA — Nanindigan si Bayan Muna chair at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya magko-concede dahil sa aniya'y malawakang dayaan sa nakaraang halalan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Colmenares na hindi niya kayang mag-concede at tinawag na bulok ang sistema ng halalan sa bansa.

"How can I concede to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable? I cannot," sabi niya. 

Sa kasalukuyang bilang mula sa Commission on Elections (Comelec) transparency server bandang 5:01 ng hapon Miyerkoles, nasa ika-24 puwesto si Colmenares at malayo sa "Magic 12" ng Senado.

Sabi niya, madali sana tanggapin ang pagkatalo kung ito ay sa pamamaraan na patas at malinis.

"It would have been easy to concede had I lost in a fair and honest elections. But this year’s elections were hardly fair or honest," ani Colmenares.

Dagdag niya, natalo man siya sa bilangan, hindi doon natatapos ang laban. 

"I may have lost the count. But I will not be defeated. We will continue the fight for democracy, national sovereignty and social justice. Tuloy ang laban," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.