Kagawad patay sa pamamaril ng mga umano'y NPA sa Guihulngan

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 02:10 AM

Isang barangay kagawad ang namatay matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagpapastol ng baka si Elpedio Julwar Mahinay sa Barangay Planas nang lapitan siya ng mga armadong lalaki at pinagbabaril.

Posible umanong mga miyembro ng NPA ang pumaslang sa kagawad dahil bago nila nilisan ang lugar, nagbabala sila sa mga "nagpapagamit" sa militar at gobyerno.

Apat na barangay kagawad na ang pinaslang sa Guihulngan simula May 10.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.