Reelectionist na barangay chairman patay sa pamamaril sa Lanao del Sur

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at May 14 2018 08:03 PM

TUBARAN, Lanao del Sur - Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang reelectionist na chairman sa Barangay Malaganding dito Linggo ng gabi, bago ang halalan. 

Kinilala ang biktimang si Hadji Ansary na tumatakbong barangay chairman na walang kalabang kandidato. 

Ayon sa pulisya, pinasok ng salarin ang bahay ni Ansary at pinatay habang siya ay natutulog. Patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente. 

Samantala, isa pang lalaki ang binaril sa bayan ng Saguiaran Lunes ng umaga, araw ng halalan.

Dead on arrival sa ospital sa Marawi City ang biktimang kinilalang si Louie Dunkin, residente ng Iligan City. 

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa lalaki. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.