6 lalaki sa Cebu nahulihan ng mga baril, kutsilyo

ABS-CBN News

Posted at May 14 2018 09:57 AM

Mga patalim at 2 baril ang narekober mula sa 6 na lalaki sa Cebu City nitong Linggo ng gabi. Kuha ni Donna Lavares, ‎ABS-CBN News

Sa bilangguan ang bagsak ng 6 na lalaki matapos makunan ng mga pulis ng baril at mga kutsilyo Linggo ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, mga residente mismo ng Barangay Pajo, Lapu-Lapu City ang nagreklamo sa presensya ng mga armadong tao sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay hindi pa natukoy ng mga pulis kung saan nagmula ang mga suspek, na may dala umanong kalibre .45 baril at 9mm airsoft.

Depensa ng mga nahuli, sila ay mga katutubong Lumad at parte umano ng tradisyon nila ang pagdadala ng matulis na bagay gaya ng kutsilyo.

Hindi naman nagbigay ng komento ang 2 nakuhanan ng baril.

Tinitingnan din ng pulisya kung konektado sa politiko ang mga nahuli.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec gun ban.

--Ulat ni Donna Lavares, ‎ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.