1 sugatan, ilang lalaki arestado sa gitna ng botohan sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at May 14 2018 08:11 PM

MAYNILA - Arestado ang ilang lalaki matapos masangkot sa bugbugan sa gitna ng halalan sa Maharlika Village sa lungsod ng Taguig, Lunes ng hapon. 

Kinilala ang dalawa sa mga naaresto na sina Rasti Dumaraya at Khalid Macalin, tagasuporta ng isa sa mga kumakandidatong chairman sa barangay. 

Isang Ibrahim Ismael naman, na tagasuporta ng isa pang tumatakbo para sa barangay chairman, ang nasugatan sa insidenteng nangyari bago magsara ang mga presinto ng botohan. 

Napag-alamang magtiyahin pala ang magkaribal na kandidato sa Maharlika Village. -- ulat mula kina Adrian Ayalin at Zandro Ochona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.