Kandidato sa pagka-bise alkalde, nahulihan ng baril

Dynah Gay Diestro, ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 08:52 AM

SALUG, Zamboanga del Norte - Hinuli ng awtoridad ang kandidato sa pagka-bise alkalde sa bayang ito dahil sa paglabag sa ipinatutupad na gun ban, Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Staff Sergeant Pet Andy Cariño, inaresto si retired Police Major Sergio Bihag matapos itong makunan ng mga baril at mga bala sa Barangay Pucay, mag-aalas 3 ng madaling araw.

Nakuha kay Bihag ang dalawang baril at mga bala. 

Hinuli din ng awtoridad ang kasama nitong lalaki. 

Kasalukuyang nakakulong na sa Salug Municipal Police Station ang 2 at nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Paglabag sa Election Gun Ban.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.