3 huli sa umano'y illegal campaigning sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 12:58 PM

Arestado ang dalawang babae at isang lalaki sa pangangampanya umano malapit sa isang eskwelahan sa Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna nitong araw ng halalan, Mayo 13. 

Ayon kay Capt. Jay-R Seloterio, hepe ng Pagsanjan Police, nakatanggap sila ng ulat na may nangangampanya pa kahit bawal na.

Inabutan ng mga pulis ang tatlo sa isang kubo at nasamsam sa kanila ang 5,000 piraso ng sample ballot ng isang tumatakbong kongresista.

Ayon sa patakaran ng Commission on Elections, hanggang Sabado lang ang panahon ng pangangampanya at bawal mangampanya sa mismong araw ng halalan.

Ikinatuwiran ng isa sa mga suspek na hindi nila alam na bawal nang mangampanya sa araw ng halalan.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.