11 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 07:56 AM

Ilan sa mga lalaking nahuling nagiinom sa pampublikong lugar sa Davao City sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban.

DAVAO CITY - Hinuli ng awtoridad ang 11 lalaki na naaktuhang lumabag sa liquor ban sa lungsod, Linggo ng gabi hanggang madaling araw ng Lunes.

Ipinagbabawal ng Commission on Elections ang pag-inom sa pampublikong lugar, maging ang pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin hanggang Lunes.

Rason ng iba, pista umano sa kanilang lugar kaya’t hindi naiwasang uminom.

Pero sa iba naman, hindi nila alam na may liquor ban pala.

Martes nakatakdang kasuhan ang mga suspek sa paglabag sa batas.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.