'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain hatid sa mga taga-Caloocan, Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 07:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa pangangalakal ng basura umaasa si Helen Gregorio, taga-Barangay Bagong Silang sa Caloocan..

Pero mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine, tumigil siya sa pangangalakal at araw-araw iniisip ni Gregorio ang kakainin nilang mag-ina at ng kaniyang nanay.

"Isang gatang lang ang isasaing namin, maghapon na po 'yon. Kinabukasan, isang gatang ulit," ani Gregorio sa panayam ng ABS-CBN News.

Nang maghatid ang "Pantawid ng Pag-ibig" ng ready-to-eat meals ng Heroes' Burger sa lugar nina Gregorio, nabuhayan siya ng loob.

"Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN at nakatawid-gutom po kami. Kasi 'yan na po ang hapunan naming mag-ina," ani Gregorio.

Nahinto rin sa pagtatrabaho ang labanderang si Angela Irinco dahil nawalan ng hanapbuhay ang kaniyang amo bunsod ng quarantine, na ipinatupad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

"Napakahirap... sa pagkain ng mga bata, 'yong mga pamalengke, kasi ngayon bayaran na rin ng ilaw," ani Irinco.

Sa pamamagitan ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP), nakapagpadala din ng lutong pagkain ng Heroes' Burger kila Irinco sa Maynila.

"Sa lahat ng tumutulong, huwag po kayong magsasawa," ani Irinco.

"Ako'y lubos na nagpapasalamat sa ABS-CBN, sa Pantawid ng Pag-ibig. Marami po kayong napasayang mga bata at pamilya po," ani SNPP National Secretary Annabelle Luna.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.