5 sundalo, higit 200 iba pa timbog sa paglabag sa liquor ban sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 05:04 PM | Updated as of May 12 2019 06:58 PM

MAYNILA — Limang sundalo at higit 200 iba pa sa Metro Manila ang timbog dahil sa paglabag sa umiiral na liquor ban na ipinatupad hatinggabi ng Linggo. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Makukulong at makakasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code at City Ordinance ang nasa 266 taong nahuling nag-iinuman. 

Kabilang sa mga nahuli ang limang sundalo.

"Pero this time, hindi na lang sila wina-warn. Hindi lang sila fina-fine, based on city ordinance... Pero ang instruction arestuhin lahat para maipakita natin na seryoso tayo at magsilbing leksyon sa lahat," sabi ni Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). 

Siniguro rin ni Eleazar na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga sangkot sa vote buying. 

Sumasailalim din ang mga ito sa dokumentasyon at imbestigasyon.— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.