ALAMIN: Dapat gawin kapag inalok ng pera kapalit ng boto

ABS-CBN News

Posted at May 11 2019 05:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Halos hindi na nawawala tuwing halalan ang mga insidente ng vote buying at vote selling.

Ayon kay Atty. Claire Castro, mas mabuting hindi tanggapin ang ano mang bayad mula sa isang vote buyer o nag-aalok ng pera kapalit ng boto sa isang kandidato. 

"Pero sa'kin, kung maiiwasan might as well huwag mo nang kunin. Kasi 'pag natanggap mo 'yan, talagang kahit hindi mo siya binoto lalabas na nabili ka rin niya," ani Atty. Claire Castro sa "Usapang de Campanilla" noong Biyernes. 

Nakasalalay kasi aniya sa pagboto nang tama ang kinabukasan ng mga Pilipino.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Election Code of the Philippines ang vote-buying at vote-selling. 

Maituturing itong election offense, at parurusahan ang sino mang tao, institusyon, o grupong mangangako ng pera, o ano mang pabor sa isang botante para iboto ang isang kandidato. 

Dapat i-report sa Commission on Elections (Comelec) ang ano mang insidente ng vote-buying at vote-selling.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.