6 nasagip sa nagkaaberyang bangka sa Aklan

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at May 11 2019 12:29 AM

Nailigtas ang 2 menor de edad at 4 iba pang sakay ng isang fishing boat sa Aklan matapos itong magkaaberya nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nakatanggap ng tawag ang kanilang Boracay substation mula sa barangay kagawad ng Sibolo Island sa Caluya, Antique kaugnay ng insidente.

Agad nagpadala ang Coast Guard-Boracay ng tauhan para sagipin ang mga sakay ng bangka.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.