17 huli sa umano'y pagbili, pagbenta ng boto sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at May 11 2019 03:33 PM | Updated as of May 11 2019 08:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang 17 katao sa umano'y pagbili at pagbenta ng mga boto sa Putatan, Muntinlupa City, ayon sa pulisya Sabado.

Naaresto ang mga suspek sa loob ng isang restaurant na malapit sa city hall ng Muntinlupa.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Police Gen. Guillermo Eleazar, kabilang sa mga naaresto ang 6 na umano'y buyer at 11 naman na umano'y nagpabayad para sa kanilang boto.

Banggit ni Eleazar na ang mga suspek ay mga supporter ng isang kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod.

Mahaharap sa paglabag ng Omnibus Election Code and mga suspek.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.