3 bata nalunod sa dagat ng Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 10:47 AM

SANTA CRUZ, Davao del Sur – Patay ang tatlong menor-de-edad matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Coronon sa bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nalunod na sina Geonnz Grey Dedeles, 14-anyos, Aldrin Aguila, 15, at Kenneth Lopez, 12, pawang residente ng SIR Matina, Davao City.

Ang mga nasawi ay mga kalahok din sana sa tatlong araw na religious youth camp sa Santa Cruz.

Nakaligtas naman ang limang kataong kasama ng mga bata na naligo sa dagat.

Isa sa mga nakaligtas ay ang 18-anyos na si Ian Rey Frigilinia na ginagamot na ngayon sa Southern Philippine Medical Center.

Nakatakdang dalhin ang bangkay ng mga biktima sa Davao City ngayong araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.