Holdaper na nanutok ng baril sa mukha ng biktima huli sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 06:48 PM | Updated as of May 09 2019 07:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong gabi ng Miyerkoles ang isang hinihinalang holdaper sa Parañaque City. 

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Fernando Concepcion, na itinuturo rin bilang holdaper na nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) na nanutok ng baril sa mukha ng babaeng biktima sa may Airport Road noong Biyernes.

Namukhaan si Concepcion nang makita siya malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Naghahanap ng bagong biktima ang suspek kaya kinuyog ng taumbayan hanggang sa maaresto ng mga pulis, ayon kay Police Maj. Ohmar Bognot.

Nakuha kay Concepcion ang isang replica gun.

Sinampahan ang suspek ng kasong robbery-holdup at paglabag sa Omnibus Election Code.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.