Ilang baterya para sa vote-counting machines sa Zamboanga City, tumatagas

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 08:16 PM

ZAMBOANGA CITY—Tumatagas umano ang ilang baterya para sa vote counting machines (VCM) sa lungsod na ito.

Iniulat ito ng election officer na kabilang sa final testing and sealing ng mga VCM sa isang presinto sa Recodo Elementary School ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Election Officer Arnan Faustino, naiulat na nila ang mga tumagas na baterya at humingi na rin ng kapalit.

Kabilang ang mga journalist at mga miyembro ng law enforcement agencies sa mga saksi sa pagbubukas ng mga VCM.

May 10 botante rin na binigyan ng pagkakataong subukan ang VCM gamit ang mga sample ballot.

Dagdag pa ni Faustino, bukod sa minor glitches, hindi rin umano dumating sa tamang oras ang mga VCM dahil kinulang umano ng sasakyan ang logistics provider.

Isasagawa ang final testing at sealing ng mga VCM hanggang Mayo 10.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.