ALAMIN: Galaw sa presyo ng gulay, isda sa Commonwealth Market

ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 10:53 AM

MAYNILA — Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay sa Commonwealth Market nitong Miyerkoles ng umaga. 

Presyo ng gulay: 
• Baguio Beans → P100/kilo (dating P90/kilo)
• Carrots → P80/kilo (dating P60/kilo)
• Repolyo → P120/kilo (dating P90/kilo)
• Petchay Baguio → P80/kilo (dating P60/kilo)
• Ampalaya → P100/kilo (dating P70/kilo)
• Kamatis → P50/kilo (dating P40/kilo)
• Bell Pepper → P300/kilo (dating P220/kilo)

Bumaba naman ang presyo ng mga sumusunod na gulay: 

• Brocolli → P100/kilo (dating P180/kilo)
• Kalabasa → P35/kilo (dating P40/kilo)

Tumaas naman ang presyo ng pusit, na nasa P260 kada kilo mula P250 kada kilo.

Nasa P90 kada kilo naman ang presyo ng tilapia mula P100 kada kilo noong nakaraang linggo. 

Bumaba ang presyo ng mantika sa P60 kada litro mula P70 kada litro.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.