Trak tumagilid malapit sa Sucat Exit ng SLEX

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 01:38 PM

Tumagilid ang isang trak sa South Luzon Expressway Martes ng umaga. Kuha ni Genilyn Chua

MAYNILA - Isang maliit na trak ang tumagilid malapit sa Sucat exit ng South Luzon Expressway, Martes ng umaga. 

Ayon sa mga awtoridad mula sa Skyway hotline, nangyari ang aksidente sa southbound lane ng highway bago mag alas-10 ng umaga. 

Inokupahan ng sasakyan ang outer and center lane ng kalsada pero natanggal din naman ito kaagad. Sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng kaunting pagsisikip ng trapiko sa naturang kalsada. 

Wala namang naiulat na nasaktan at wala ring nadamay na iba pang sasakyan sa insidenteng posible umanong kaso ng "self accident."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.