Tren ng MRT huminto dahil sa 'technical problem'

ABS-CBN News

Posted at May 06 2019 02:43 PM

Huminto ngayong tanghali ng Lunes ang isang northbound na tren ng MRT-3 matapos makaranas ng technical problem, ayon sa pamunuan ng linya.

Bandang 12:20 ng tanghali nang makaranas ng problema ang nasabing tren sa pagitan ng Taft Avenue station at Magallanes station, ayon sa MRT.

Dahil sa nangyari, pinababa ang mga pasahero at nilimitahan ang biyahe ng MRT mula Shaw Boulevard station hanggang North Avenue station.

Naialis sa riles ang nagkaaberyang tren ala-1:25 ng hapon at inilipat sa to Taft pocket track, ayon sa pamunuan ng MRT.

Kuha ni Bayan Patroller Elaica Icaro

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kuha ni Bayan Patroller Elaica Icaro, mapapanood ang mga pasaherong naglalakad sa riles ng tren patungong Magallanes Station.

Nakuhanan ni Icaro ang video habang nakapila sa Magallanes. --Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.