Angara nanuyo ng mga botante sa tabing-dagat ng Currimao

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at May 05 2019 07:58 PM

Nanuyo si Sen. Sonny Angara ng mga botante sa mga naninirahan sa tabing-dagat ng Currimao, Ilocos Norte ngayong Linggo, Mayo 5.

Naglakad siyang nag-ikot sa Barangay Gaang at Barangay Victoria.

May mga humingi ng retrato at yumakap sa reelectionist, na layong makapasok muli sa Senado para sa ikalawang termino.

Nakipag-usap din si Angara sa mga residente at mga mangingisda.

Nagpasalamat din ang senador sa mainit na suporta sa kaniyang pangangampanya.

"Since malapit na election natutuwa naman tayo sa resulta. Sana tuloy tuloy 'yan, at nagpapasalamat tayo, very thankful tayo, sa suporta nila," ani Angara.

Sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas noong Abril 30, namamayagpag sa ika-4 hanggang 9 na bracket si Angara, na tumatakbo sa ilalim ng koalisyon na Hugpong ng Pagbabago.

Ayon sa ilang residente, bibihira raw puntahan ng mga senatorial candidates ang kanilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.