2 babae timbog sa GenSan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at May 04 2019 04:01 AM

Francis Canlas, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY - Arestado ang 2 babae sa buy-bust operation sa Yumang St., Barangay San Isidro, General Santos City Sabado ng hatinggabi.

Nasamsam sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P100,000.

Aminado ang target ng operasyon na gumagamit siya ng droga, pero hindi umano siya nagtutulak. Personal umano niyang supply ang nakuha ng mga pulis.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.