TINGNAN: Barko ng Coast Guard na pupuntang Benham Rise

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at May 04 2017 01:44 PM

Nakatakdang maglayag papuntang Benham Rise ang ilang mga opisyal ng Pilipinas nitong buwan, at ang isang barkong kanilang gagamitin ay dumating sa Tabaco Port sa Albay, Huwebes ng umaga.

Galing Maynila ang barkong Malapascua ng Philippine Coast Guard at napadaan ito sa Albay para mag-refuel. 

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Kuha ni Karren Canon, ABS-CBN News

Mula sa Tabaco port, pupunta ito ng Infanta, Quezon para sunduin si Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at iba pang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Tutungong Benham Rise ang kanilang grupo upang magsaliksik kasama ang tatlo pang barko ng Coast Guard. 

Inaasahang makararating sila sa Benham Rise sa ika-6 or ika-7 ng Mayo at babalik ng Maynila matapos ang isang araw.