Tricycle driver, patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 03 2019 04:31 AM | Updated as of May 03 2019 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay Bungad, Quezon City Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Gilbert Magtangob.

Ayon sa pulisya, namamasada ang biktima at may sakay na pasahero. 

Nang bumaba ang pasahero sa Laguna St., dumating ang isang lalaking naka-motorsiklo at binaril si Magtangob.

Posible umanong magkasabwat ang gunman at pasahero dahil sabay silang tumakas.

Palaisipan sa pamilya ni Magtangob ang motibo sa pamamaslang. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.