Bagong kadete ng PMA, namatay sa ulcer

Henry Atuelan, DZMM

Posted at May 03 2017 12:25 PM | Updated as of May 03 2017 04:04 PM

Namatay ang isang bagong pasok na kadete ng Philippine Military Academy dahil sa karamdaman.

Ayon kay PMA spokesman Reynaldo Balido, 10:42 ng umaga noong Mayo 1 nang mamatay ang kadeteng nakilalang si Erwin Christian Vergara, 19-anyos at tubong Alcala, Cagayan.

Banggit ni Balido na namatay ang biktima dahil sa naranasang internal bleeding dulot ng malalang ulcer.

Abril 25 nang ma-confine sa Baguio General Hospital si Vergara.

Sinabi ni Balido na pumasok sa PMA si Vergara noon lamang Abril 1 pero tumanggi siyang magkomento kung paano nakalusot sa physical exam ang kadete.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.