Babae huli sa pagkuha ng malalaswang video ng anak, pamangkin

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 03:55 PM

ILIGAN CITY - Arestado ngayong Huwebes sa isang raid sa Barangay Fuentes ang isang ginang na nag-uupload umano ng malaswang video ng 3 anak at isang pamangkin sa porn website.

Ayon sa Iligan City Police Station 2, binebenta raw ng ina ang malalaswang video sa mga dayuhang pedopilya ng ilang libong piso.

Matagal na umano nilang minamanmanan sa porn website ang suspek. 

Patunay raw ng mga transaksyon niya ang mga resibo ng money transfer at ang mismong usapan nila online ng undercover agent. 

Ayon sa ginang, alam ng kaniyang asawang nasa Maynila ang kaniyang ginagawa sa mga bata.

Kakasuhan ang ginang ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Child Pornography Law, at Anti-Cybercrime Law. 

Nasa kustodiya na rin ng Department of Social Welfare and Development - Region 10 ang mga bata, para isailalim sa trauma debriefing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.