Trak tumaob sa Taguig; 3 patay

ABS-CBN News

Posted at May 02 2018 05:08 PM | Updated as of May 03 2018 12:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tatlo ang patay habang isa ang sugatan matapos madaganan ng isang 12-wheeler truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Taguig City nitong Miyerkoles ng hapon.

Tumaob ang truck sa may MRT Avenue, sa may boundary ng Barangay New Lower Bicutan at Barangay Hagonoy, dahil sa bigat ng karga nitong buhangin at dumagan sa isang dumadaan na pampasaherong tricycle.

Nasawi sa insidente ang misis at anak ng tricycle driver na si Roel Lycop at ang pasaherong si Anna Sarmiento.

Nagtamo naman ng mga sugat si Lycop, na dinala pa sa Taguig-Pateros District Hospital kasama ang mga nasawi.

Nakatakas naman ang driver at pahinante ng truck na may plate number na AVR 6205.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.