Sunog sumiklab sa residential area sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at May 01 2019 05:05 AM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Ibaba, Malabon City Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa ikaapat na alarma ang insidente na nagsimula pasado alas-3 ng madaling-araw.

Pahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa makipot ang daan papasok sa lugar.

Nagtutulungan ang ilang residente sa pag-apula ng apoy gamit ang mga timba.

I-refresh ang page na ito para sa updates. - Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.