1 patay, 2 tiklo sa buy-bust sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2019 04:09 PM

Napatay ang isang lalaki habang naaresto naman ang dalawa niyang kasamahan sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna nitong umaga ng Lunes.

Ayon kay Major Ryan Orapa, bumunot ng baril at nagpaputok ang suspek na si Manuel Cueto nang makahalatang mga pulis ang mga binentahan ng sachet ng hinihinalang shabu sa may Barangay Santiago II, dahilan para magpaputok din ang mga pulis.

Nakuha kay Cueto ang 10 gramo ng hinihinalang shabu habang 5 gramo ng hinihinalang shabu naman ang nakuha sa dalawa niyang kasamahang may edad 47 at 26.

Ang mga suspek umano ang nagbebenta ng shabu sa mga lugar na sakop ng third legislative district ng Laguna. --Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.