South Korea, may donasyong 950 metric tons ng bigas sa Pilipinas

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2020 03:12 AM

Tinanggap ng Pilipinas nitong nakaraang linggo ang 950 metric tons na rice donation ng South Korea para sa mga Pilipinong biktima ng kalamidad.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na makikinabang dito ang nasa 15,000 pamilyang biktima ng lindol sa North Cotabato, Davao del Sur, kabuuan ng Davao region at Soccsksargen. 

Mabibigyan din ang mga pamilyang biktima ng mga pagbaha nitong 2019 sa Cagayan Valley. 

Itu-turnover ng DA ang bigas sa Department of Social Welfare and Development na naatasang mamahagi sa mga benepisyaryo. 

Nagpasalamat si agriculture Sec. William Dar kay South Korean President Moon Jae-in at nangakong marami ang makikinabang sa donasyon. 

Sinabi naman ni South Korean Ambassador Han Dong-man na sa matatag na samahan ng Pilipinas at South Korea, umaasa siyang makatulong ang donasyon sa pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.