Bahagi ng NAIA Expressway, isasara ngayong Abril 29

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 10:09 PM

MAYNILA - Pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng NAIA Expressway (NAIAX) simula ngayong Lunes, Abril 29, hanggang Miyerkoles, Mayo 1, dahil sa isasagawang maintenance work.

Sa abiso, sarado mula alas-10 ng gabi ng Lunes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Martes, Abril 30, ang NAIAX patungong Buendia, Amorsolo, Don Bosco at EDSA.

Samantala, isasara naman mula alas-10 ng gabi ng Martes (Abril 30) hanggang alas-4 ng madaling araw ng Miyerkules (Mayo 1) ang bahagi ng NAIAX na patungong Bicutan, Sucat, Alabang at South Luzon Expressway (SLEX).

Maaari namang dumaan sa Sales Road ang mga motorista bilang alternatibong ruta.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.