Motorcycle rider patay matapos bumangga sa pader sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 01:39 AM

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa isang pader and minamanehong sasakyan sa lungsod nitong Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Baring, 29 na driver at nagdedeliver ng softfrinks sa Barangay Lunzuran.

Ayon sa kasamahan nito sa trabaho na si Marvin Ramos, hinatid ni Jonathan ang kanilang kasama pauwi at nakipag-inuman din sa ibang kasamahan.

Dahil sa kalasingan, maaaring hindi na nito nakita ang sementong pader ng isang bahay sa lugar at sumalpok ang kaniyang motor.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima, possible din umanong hindi niya naisuot ang kaniyang helmet sa mga oras na iyon.

Namatay si Baring dulot ng malakas na tama ng ulo sa semento.

Ayon kay Lunzaran barangay chairman Joel Jose, accident-prone ang nasabing lugar.

Binalaan ang motorista na mag-ingat tuwing babaybayin ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.