Lalaki arestado sa police operation sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 09:56 AM

MAYNILA – Arestado ang isang lalaki sa police operation sa Quezon City nitong Biyernes.

Nasamsam mula sa 30 anyos na suspek ang 23 plastic sachet ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Ilocos Norte Street sa Barangay Ramon Magsaysay.
 
Ayon sa pulisya, sinugod ng operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant.

Doon nakuha ng operatiba ang 23 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P56,400.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.