Higit P1 milyong halaga ng droga nasamsam sa Novaliches

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 12:13 AM

MAYNILA - Nasamsam ang P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu at P360,000 halaga ng umano'y marijuana sa isang compound sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes.

Ayon kay Police Col. Enrico Vargas, chief district directorial staff ng QC Police District, isang taon minanmanan ang compound na ito na tinitirahan ng umano'y mga miyembro ng Wayda Drug Group.

Sa bisa ng search warrant, napasok ito at naaresto ang mahigit 11 katao, kabilang ang mga target na sina alyas Wayda at Baimen.

Napatay naman ang isang alyas Bilao na umano'y nanlaban sa mga pulis.

Notoryus umanong mga tulak ng droga ang mga suspek at nagbabagsak ng droga sa iba't ibang lugar sa Quezon City.

Iginiit ni Wayda na itinanim lang ng mga pulis ang nakuhang mga droga sa kanilang compound.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.