Delivery crew tiklo sa ilegal na droga, baril sa Pateros

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 09:42 AM


MAYNILA - Arestado ang isang 43 anyos na delivery crew sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Pateros, Biyernes ng gabi.

Nagsagawa ng buy-bust operation sa Delos Santos Street, Barangay Santo Rosario Kanluran sa bayan ang Station Drug Enforcement Unit matapos makakuha ng impormasyon na notorious umanong tulak ng droga sa lugar ang suspek na si alyas Jun-jun.

Nakapagbenta ng droga ang target sa isang pulis na nagpanggap na bibili. Pagkatapos ng buy-bust operation, naglabas ng search warrant ang mga operatiba para mainspeksyon ang kaniyang bahay. 

Doon nakita ang isang kalibre .38 na baril na may bala, walong sachet ng umano’y marijuana at walong sachet ng hinihinalang shabu. 

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Pateros Police Station.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.