Drug suspek, patay sa engkuwentro sa Novaliches

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 07:25 PM

MAYNILA—Dead on the spot ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa pulisya sa Novaliches, Quezon City Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng QC Police District Station 4, nagsilbi ng search warrant ang mga pulis sa isang bahay na umano'y drug den.

Nang makita ng suspek na si alyas Bilao ang mga pulis, agad itong nagpaputok ng baril kaya't napilitan na ring gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Arestado naman ang dalawang babae target ng operasyon na umano'y mga notoryus na pusher sa lugar.

Patuloy ang paghalughog sa bahay. Kabilang sa mga na rekober ang isang kalibre .38.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.