12 timbog sa droga sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2018 10:22 AM

MAYNILA - Arestado ang 12 katao sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Sa isang bahay sa Barangay Holy Spirit, nahuli ang umano'y isang tulak, ang runner nito, at 2 parokyano.

Nakuha sa kanila ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Kalaboso naman ang 6 katao sa ikinasang buy-bust sa isang apartelle sa Barangay Kaunlaran.

Depensa naman ng kinakasama ng isa sa target ng operasyon na hindi tulak ang suspek.

"Mandurukot po 'yan pero hindi po siya tulak....May sakit kasi siya kaya kailangan magaan lang ang trabaho niya," aniya.

Samantala, timbog naman ang isang mag-asawa sa Barangay San Roque. Narekober sa kanila ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.