Lalaki patay matapos hampasin ng tubo habang tulog

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2019 12:21 PM

Patay ang isang construction worker matapos umanong hampasin ng bakal sa ulo sa Lapu-Lapu City sa Cebu noong Miyerkoles ng gabi. 

Ayon kay Police Master Sgt. Deen Sanchez ng Mactan police station, nakikipag-inuman ang biktimang si John Eleazar Omandac kasama ang mga katrabaho. 

Sa gitna raw ng inuman ay nakaalitan ng biktima ang suspek. 

Makalipas ang ilang sandali ay natutulog na umano ang biktima, at dito na umano siya hinampas ng bakal na tubo ng suspek. 

Agad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival. 

Tinutugis na ngayon ang suspek. 

-- Ulat ni Randy Jainar, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.