TINGNAN: Pinsala sa 18th century church sa San Julian dahil sa lindol

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 06:25 PM

Nilagyan na ng harang ang bell tower dahil pinangangambahan na itong mahulog matapos ang pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa bayan ng San Julian sa Eastern Samar. Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Nagtamo ng pinsala ang simbahan ng Our Lady of Seven Dolors sa bayan ng San Julian, ang sentro ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar, Martes ng hapon.

Pinangangambahang tuluyang mahulog ang krus sa bell tower kaya nilagyan na ito ng pansamantalang harang. 

Nagkaroon din ng bitak sa pader ng simbahan.

Ang naturang simbahan ay 18th century pa nang maitayo at kakaunti pa lamang ang nagagalaw sa renovation.

Dalawang bahay naman ang nasira sa Barangay Pagbabangnan dahil sa lindol. 

Ayon sa may-ari ng bahay, dahil sa sobrang lakas ng pagyanig, bumigay ang pader ng kanilang kusina. Nabagsakan nito ang katabi pang bahay kaya nasira ang bubong. Nagkaroon din ng bitak sa loob ng bahay at nasira pati ang ilan sa kanilang mga gamit.

-- May ulat ni Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.