2 senior high students timbog sa droga sa Koronadal

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 06:54 PM

KORONADAL CITY, South Cotabato - Arestado ang 2 senior high school students sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod nitong Lunes.

Kinilala sila bilang sina Mark John Pascual at Dexter Cerbas, parehong 18 anyos.

Napagbilhan umano ang dalawa ng P200 na halaga ng marijuana.

Bukod dito, nakunan pa umano sila ng 3 marijuana na nakabalot sa papel.

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng marijuana pero itinangging nagtutulak sila.

Pero ayon sa pulisya, parokyano ng dalawa ang ilang estudyante.

Nahaharap sa kasong selling and possession of dangerous drugs ang mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.