2 patay sa banggaan ng SUV, tricycle sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 08:19 PM

Napatay nitong umaga ng Martes ang 2 tao sa salpukan ng SUV at tricycle sa bayan ng Pontevedra, Negros Occidental, ayon sa pulisya.

Binabaybay ng SUV na minamaneho ni Evelyn Baguna ang kalsada sa may Barangay Antipolo nang mag-overtake siya at sumalpok sa kasalubong na tricycle, na minamaneho naman ni Jesus Onlagada, ayon sa ulat ng Pontevedra police.

Dinala sa ospital sina Baguna at Onlagada pero binawian din ng buhay.

Sugatan din ang ama ni Baguna at 2 niyang mga anak, na pawang mga pasahero ng SUV.

Nawasak ang harapan ng SUV habang nasira naman ang sidecar ng tricycle.

--Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.