Chinese national na nagka-epileptic seizure, sinagip ng coast guard

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 05:28 PM

ZAMBOANGA CITY – Sinagip ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Pearl Bank sa Tawi-Tawi, Sulu ang isang Chinese national na hinihinalang nagkaroon ng epileptic seizure habang sakay ng kanilang barko, Martes ng madaling araw.

 

Ayon kay Lt. Commander Noriel Ramos, acting commanding officer ng BRP Malabrigo, nangailangan ng agarang medical assistance si Zhen Le matapos na magkaroon ng seizure.

Isa siya sa crew members ng M/V China Peace na naglalayag mula China patungong Australia. Nagka-seizure umano ang biktima habang tumatawid ang kanilang barko malapit sa Laparan Island sa Pangutaran, Sulu.

Inilipat na sa Zamboanga City ang Chinese national.

Nagpatuloy naman sa biyahe ang kaniyang barko habang nakikipag-ugnayan na ang PCG sa Chinese embassy at ang local agent ng barko para sa naman sa naiwang pasyente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.