'Pantawid ng Pag-ibig': Tulong hatid sa mga taga-Noveleta, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 08:48 PM | Updated as of Apr 21 2020 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong Abril inasahan ni Roderick Tanegra na malaki ang kikitain sa kaniyang tindahan sa isang resort sa Noveleta, Cavite.

Pero dahil sa enhanced community quarantine, tila naging ghost town ang dinarayong dalampasigan.

"Ganitong araw, ganitong oras, halos 'di mo na makita ang buhangin sa dami ng tao," ani Tanegra.

"Ang dami ring nanghinayang sa kikitain, malaking bagay para sa pamilya namin 'to," aniya.

Panghihinayang sa kita rin ang nararamdaman ng namamahala ng resort na si Reynan Torres.

"Malaking panghihinayang, dahil maraming nakikinabang dito," aniya.

Sa isang kalapit na fishport nagtitinda ang mangingisda na si Norlito Salud.

Pero alas-2 ng hapon, hindi pa ubos ang panindang isda ni Salud dahil hindi siya makapaglako.

Malaking bagay ang dumating na tulong ng lokal na pamahalaan sa mga kagaya nina Tanegra at Salud, kasama ang pagkain mula sa Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN.

"Malaking bagay po talaga 'yon, tulad po kami, ang pinakamaliit na bayan sa Cavite, 'di kaya ng pondo namin ma-sustain ang ginagawa natin," ani Noveleta Mayor Dino Chua.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

  • Champion Detergent
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Great Taste 3-in-1
  • Hana Shampoo
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • Quick Chow Noodles
  • Mega Sardines
  • Rebisco
  • Safeguard
  • CDO Foodsphere
  • International Pharmaceuticals Incorporated
  • Lucky Me

Nananawagan ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations, na gagamitin para ipambili ng pagkain at basic necessities ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.