Lalaki timbog sa paggamit ng fake certification para makalusot sa checkpoint sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 10:57 AM | Updated as of Apr 21 2020 11:07 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang isang lalaking dawit umano sa paggamit ng pekeng dokumento at blinker para makalusot sa checkpoint sa EDSA.

Kinilala ang suspek na si Roy Del Rosario, na nagpakilala umanong nagde-deliver ng medical supplies.

Ayon kay Highway Patrol Group director Brig. Gen. Eliseo Cruz, una nang pinahinto ang suspek sa paggamit ng blinker at commemorative plate malapit sa Camp Aguinaldo.

Pero nang ipahinto ang suspek, nagpakita raw ito ng sertipikasyon na pirmado ni Interior and Local Government chief Eduardo Año na nag-aatas pa padaanin ang suspek dahil may permiso umano ito na mag-deliver ng medical supplies.

Pero nalamang peke ang dokumento ng suspek kaya siya naaresto.

Nahaharap ngayon si Del Rosario sa paglabag sa mga sumusunod na kaso: Presidential Decree 96, Land Transportation and Traffic Code, at Falsification of Public Documents.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.