'Person of interest' sa Nueva Ecija massacre, nasa kustodiya ng pulisya sa Tarlac

Edward Quinto, ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2018 12:31 AM

Nasa kustodiya na ng pulisya sa Tarlac ang sinasabing person of interest sa pagpatay ng anim na magkakaanak sa San Leonardo, Nueva Ecija nitong Biyernes.

Ayon sa Tarlac Police Provincial Office, umamin sa kanila ang sinasabing person of interest. 

Kung mapapatunayan, posible siyang humarap sa kasong multiple murder at frustrated murder.

Tatlo ang nakaligtas sa insidente, kabilang ang dalawang menor de edad na hawak na ng Department of Social Welfare and Development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.