Bata, nahulog sa ikalawang palapag ng bahay

Edwin Gadia, DZMM

Posted at Apr 20 2017 11:23 AM | Updated as of Apr 20 2017 11:53 AM

Nahulog mula sa ikalawang palapag ng bahay ang isang taong gulang na batang lalaki sa Tamayo Street, Dimasalang sa Masbate.

Ayon sa mag-asawang Kevin at Olimar Londabo, nabuksan ni baby Kyle ang bintana na sira ang lock kaya lumusot ito at nahulog.

Sa unang palapag na nakuha ng mag-asawa ang batang umiiyak at gumagapang.

Ligtas naman si baby Kyle pero nabalian ang kaliwang binti nito.

Inirekomenda namang dalhin sa Maynila ang bata para maipa-CT Scan at maoperahan ang nabaling binti nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.