Bangka, lumubog sa Catanduanes

Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 02:58 PM

SAN ANDRES, Catanduanes – Apat katao ang nananatiling nawawala matapos na lumubog ang isang bangka sa bisinidad ng Barangya Lubas sa nasabing bayan, Huwebes ng gabi.

Ang insidente ay naipagbigay-alam sa pulisya Biyernes ng umaga.

Sa paunang imbestigasyon, lima umano ang sakay ng bangka nang makaranas ng malakas na hangin kaya nawalan ito ng balanse at lumubog. 

Isa lamang ang nakaligtas sa insidente.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Philippine Coast Guard para mahanap ang mga nawawala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.