Presyo ng gulay, isda sa Kamuning Market tumaas ngayong Miyerkoles Santo

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 10:20 AM

MAYNILA — Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda sa Kamuning Market sa Quezon City ngayong Miyerkoles Santo.

Presyo ng gulay:

• Baguio Beans → P80/kilo (dating P70/kilo) 
• Carrots → P60/kilo (dating P50/kilo) 
• Repolyo → P50/kilo (dating P45/kilo) 
• Cauliflower → P180/kilo (dating P100/kilo) 
• Bell Pepper → P200/kilo (dating P180/kilo) 
• Kamatis → P40/kilo (dating P25/kilo) 
• Sayote→ P50/kilo (dating P40/kilo) 

Nagtaas-presyo na rin ang ilang klase ng isda at seafood.

Presyo ng isda:

• Tilapia → P120/kilo (dating P100/kilo) 
• Galunggong → P160/kilo (dating P140/kilo) 
• Bangus → P170/kilo (dating P150/kilo) 
• Hipon → P480/kilo (dating P350/kilo)
• Pusit → P300/kilo (dating P260/kilo) 
• Dalagang bukid → P240/kilo (dating P200/kilo) 
• Lapu Lapu → P350/kilo (dating P320/kilo)

Karamihan sa mga Katoliko ay umiiwas sa mga karne tulad ng baboy at baka tuwing mahal na araw. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.