9 anyos patay matapos masabugan ng IED sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 09:14 PM

Patay ang isang 9 anyos na batang lalaki matapos masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Barangay San Miguel sa bayan ng Las Navas, Northern Samar Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng militar, tinamaan ang bata nang pasabugan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang pansamantalang patrol base ng mga sundalo sa nasabing lugar bandang 9:40 ng umaga.

Sinubukan umano ng mga sundalo na iligtas ang bata ngunit wala na silang nagawa.

Kinondena ng militar ang insidente.

Kasalukuyang tinutugis ng pinagsamang puwersa ng pulis at militar ang mga responsable sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.