Nasa 72 pamilya, apektado ng sunog sa Misamis Oriental

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2019 10:36 AM

Tinatayang nasa P500,000 ang naging pinsala sa sunog sa Jasaan, Misamis Oriental. Kuha ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

MISAMIS ORIENTAL -- Nasa 72 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang isang sunog sa bayan ng Jasaan noong Lunes ng hapon, kung saan P500,000 ang tinatayang halaga ng pinsala, ayon sa mga awtoridad.

Nasa 68 bahay ang naabo sa PBCM Compund sa Barangay San Antonio. Ito na ang ika-apat na beses na nasunog ang compound. Nagsimula ang sunog alas-3 ng hapon bago idineklarang "fire out" bandang alas-8 ng gabi, ayon kay Fire Senior Insp. Willy Tan.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil maliban sa gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay ay dikit-dikit din ang mga ito, ani Tan.

Nahirapan ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil sa sikip ng kalsada, dagdag niya.

Nananatili ngayon sa covered court ng barangay ang ilang apektadong pamilya sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.